Tuesday, August 25, 2015

FRIENDSHIP and LOVE (The Past Behind)


Hi buddy, its been a long time din nang huli kang mapadpad dito. Dati rati lahat ng hinanakit at emosyon mo, lagi mong sinasabi dito mismo (pero huling blog post  mo, dinelete mo para di mo maalala ang lahat, ang totoo lagi mo iniisip ang mga yun!). Pero ayos lang. Ano ba ang meron sa atin ngayon?. . teka, kamusta ka nga pala? Di ka mapapadpad dito kung di ka maayos. Chill lang sabi ni tawaw.  Ilabas mo lang until you can breathe.


Phot not mine. ;)
“Taking on SEVEN years
the holy ghost had left alone
Test my arms, kick like crazy
I've been trying way too long
only push the way off to fight you
Now I'm sorry, I'm sorry, I'm not sure
Getting off my chest
the story ends…” –SAOSIN

Yan ang sabi sa kanta na dati mong pinakinggan na paulit ulit ulit sa tenga mo. Di mo ata akalain na 7 years na pala ang lumipas at eto ka, hanggang ngayon, nandyan pa rin ang kantang yan na laging tumatatak sa utak mo na meron kang UNFINISHED business (tama ba ang term?) sa nakaraan mo. (Well, hindi lang naman yan ang mga kanta na tumatak during those times.)
Ganito yun, speaking of the past, naaalala mo na naman sya recently. This past few days, lagi ka nalang nangangamba sa mga pupwedeng mangyari hindi lang sa present day mo kundi pati sa future mo. At dahil 7 years ago, nang huli mo syang makita at makausap. Music, Novels, Movies, Social Networking, at kung anu-anu pa ang inatupag mo, makalimutan mo lang sya. But the TRUTH is, NEVER mo syang nakalimutan.
OO NA! NEVER ko syang nakalimutan.
At alam kong di ko sya makakalimutan. -_-
Ang totoo, Always! nasa utak ko sya.
Anung meron sa kanya?... No. Anung meron kami noon.
Now I will tell you. EVERYTHING. Dahil bago pa sumabog ang puso ko sa mga naiisip ko. Gusto ko ilahad lahat lahat lahat!
Powered By Blogger