Tuesday, August 25, 2015

FRIENDSHIP and LOVE (The Past Behind)


Hi buddy, its been a long time din nang huli kang mapadpad dito. Dati rati lahat ng hinanakit at emosyon mo, lagi mong sinasabi dito mismo (pero huling blog post  mo, dinelete mo para di mo maalala ang lahat, ang totoo lagi mo iniisip ang mga yun!). Pero ayos lang. Ano ba ang meron sa atin ngayon?. . teka, kamusta ka nga pala? Di ka mapapadpad dito kung di ka maayos. Chill lang sabi ni tawaw.  Ilabas mo lang until you can breathe.


Phot not mine. ;)
“Taking on SEVEN years
the holy ghost had left alone
Test my arms, kick like crazy
I've been trying way too long
only push the way off to fight you
Now I'm sorry, I'm sorry, I'm not sure
Getting off my chest
the story ends…” –SAOSIN

Yan ang sabi sa kanta na dati mong pinakinggan na paulit ulit ulit sa tenga mo. Di mo ata akalain na 7 years na pala ang lumipas at eto ka, hanggang ngayon, nandyan pa rin ang kantang yan na laging tumatatak sa utak mo na meron kang UNFINISHED business (tama ba ang term?) sa nakaraan mo. (Well, hindi lang naman yan ang mga kanta na tumatak during those times.)
Ganito yun, speaking of the past, naaalala mo na naman sya recently. This past few days, lagi ka nalang nangangamba sa mga pupwedeng mangyari hindi lang sa present day mo kundi pati sa future mo. At dahil 7 years ago, nang huli mo syang makita at makausap. Music, Novels, Movies, Social Networking, at kung anu-anu pa ang inatupag mo, makalimutan mo lang sya. But the TRUTH is, NEVER mo syang nakalimutan.
OO NA! NEVER ko syang nakalimutan.
At alam kong di ko sya makakalimutan. -_-
Ang totoo, Always! nasa utak ko sya.
Anung meron sa kanya?... No. Anung meron kami noon.
Now I will tell you. EVERYTHING. Dahil bago pa sumabog ang puso ko sa mga naiisip ko. Gusto ko ilahad lahat lahat lahat!

*Friendship.*

Bihira ako makipag kaibigan. Lalo na, pati sarili ko eh di ko alam ang identity those times before I met her kaya namimili ako ng mga kaibigan lalo na yung mga mapagkakatiwalaan na tatanggap sa kung ano at sino ako..
Bago ako napadpad sa davao 13 years ago, I broke up with some else (Yes its true!, meron ako naging JOWA nung High School na never nalaman ng mga friends (College Friends) ko up to this day) but that was another story to tell.. I decided to take my college sa davao. Hindi dahil maganda ang schools dito, kundi gusto ko mag moved on. Well.. as time goes by, wala akong naging close o matatawag na kaibigan sa school at that very first time in the city. LONER ako eh, di ako mahilig gumimik at makipag usap kahit kanino. School, Library, at bahay lang ang places to be ko. Hindi uso ang Fb, twitter, at wala pang Friendster that time, the worst was, WALA pang mydsl o mabilis na internet na pwede ko e download lahat ng favorite movies and music ko dahil DIAL-UP pa ang gamit noon. IN SHORT, BORING ANG BUHAY KO that time. Hanggang sa mag 4th year ako IRREGULAR dahil may mga subjects akong naiwan sa 3rd yr level. Nakilala ko sya.

“And you're slowly shaking finger tips
Show, that you're scared like me so
Let's pretend we're alone
And I know you may be scared
And I know we're unprepared
But I don't care..” –VULNERABLE (2ndhand Serenade)

Hindi kami naging close agad. Nagkaroon ako ng pagkakataon na magkaroon ng friends this time. Karamihan kasi puro boys dahil Engineering ang course, at kaunti lang kaming mga girls on that batch.
I can say I am one of the boys, kahit noon pa. Mas nagiging close ako agad sa mga classmates ko na puro boys kesa sa mga kaklase kong babae. Counterstrike at Dota 1 pa ang uso na games  sa net cafes. Every lunch kasama ko ang mga Engineering Unity Team (yun ang tawag sa team nila na laging tambay sa lynx café). Hindi ko masabing member ako dun kaya lang dahil nga wala naman akong close na babae sa classroom, lagi ako iniinvite ng mga yun na kumain at sumabay sa kanila, lalo na pag may assignments or seatworks , dyan kami nagtutulungan. I ignored their difference from me, akala ko nga lalaki din ako eh! (despite of my religion which is different from them) and their SCARED-TO-DEATH thingy not to bully me because of that LOL XD) and making fun of me sometimes dahil parang tinuring nila ako na tropa din nila.
One day, lumapit sya, humiram ng book, it was the very first moment na may kumausap sa akin na girl sa batch nila. Dahil diko naman talaga sila ka batch dahil IRREGULAR student nga ako. Fully Loaded ang subjects ko that time para mahabol ko ang batch ko. Pero syempre napagod ang utak ko kaya diko nalang inadvance ang mga subjects na dapat kong e advanced dahil hindi naman ako si Albert Einstein. LOL

Time passed by at medyo nagiging close kami. She invited me to try out sa basketball dahil nalaman niya na  dati akong nagbabasketball nung first yr ako sa school pero diko lang tinuloy dahil bagsak ang major subjects ko that time. I focused on my studies. So syempre disappointed sya. Mas nagiging close kami nung uso na ang unli text at FRIENDSTER. :p

Everyday texts, walang topic na boring. Puro kalokohan. Actually, tatlo kaming naging close. Yung isa kasi minsan lang kung sumabay sa amin. Kaya madalas kaming dalawa lang ang magkasama. Napagkakamalan kaming magkasintahan sa sobrang closeness namin. Pero hindi. JinoJOKE lang yun ng KAKASIMULANG-BARKADA pa lang namin. Hindi na ako nakakasabay sa mga dati kong friends  na EUT boys. Di na ako nag caCounter strike at Madalas kapag wala kaming ginagawa, sa boarding house nya kami laging nakatambay. She’s so talented. She plays guitar. She plays Basketball. Parang yung gusto ko sa isang tao, nasa kanya na. Ooops.  I simply ignore those feelings na masaya ka pag nandyan sya. Kaya minsan umiiwas ako. Hindi dahil meron syang ginawa. Ganun talaga ako kapag meron akong naramdamang unusual lalo na pag lumalalim at tumitindi na yung friendship na nabubuo.

Papalapit na ang Intrams. Syempre busy sila sa practice sa Basketball. Lagi nya ako tinetext at kinukulit na manood ng practice nila pero ayoko lang because TINATAMAD ako gumala. Ganun talaga ako, TAMAD. Pag hindi school issues, hindi ako lumalabas ng bahay. Gumagala lang ako those times pag kasama sya.

Siya lang ang dahilan noon bakit ako nagpabili ng selpon at nagloload kada araw. Pag di ako makareply, nag mimiscol. Pag diko nareplyan agad agad, nagfaflood sya ng messages. Pag absent ako, nagagalit sya. minsan naman ang daming tanong kapag nandyan na ako. Pag umaalis lang ako sandali, “Ui, Saan ka?” … Hanggat sa naitanong ko sa kanya kung ano ba kami. Dahil wala nang mai-Topic sa text, tinanong ko agad sya. Sabi nya “More than Sisters and Friends.” Tapos hanggat sa naging “BESTFRIENDS” na kami. “BEST” sya unang nag text nun. Hindi ko makakalimutan yun. Our Friends teases us,..”Uiiiii si Beeeest,” grrr pero ang saya syempre pag naiisip mo lahat ng mga moments na yun.

Iba man sa paningin ng iba ang turingan namin, BAHALA SILA. Ang importante masaya kami kung anong meron sa friendship na nabuo namin. Isang gabi when I got online at bigla sya nag message.
“Best.”
“OH YEAH.” Sabi ko.
“MAHAL MO BA AKO?”
….
..
After a 10 or 15 minutes long of staring those message.
“OO NAMAN.” I answered
“WHY?” She asked.
“We’re Bestfriends.” I replied
“Ok.” Sabi nya
Yung reply nay un ang nakapag pa isip sa akin na meron syang gustong sabihin that time.
I really didn’t know the exact thing nay un pero alam kong meron syang gustong sabihin.
Kapag magkasama kami, feeling ko iniisip ng iba na KAMI. Pero Hindi. Natural sa kanya yung mga sweetness  lagi like hinahawakan yung mga kamay ko. Kapag tumatawid kami lagi nya hawak hawak ung right hands ko. Kahit sa Jeep ganun pa rin ginagawa nya hindi nya binibitiwan yung pag hohold sa hand ko. Namimiss ko syempre mga ganung moment.

To make the story short.. napansin ko sa mga texts at minsan napapatanong sya sa akin if bakit ako na aattract sa mga babae more than attracting to boys. Tapos di naman daw ako “L” word. Sabi ko wala lang. ganun talaga. May mga bagay na di ko na pwedeng ilahad lahat lahat pero alam nyang meron akong past. Minsan kapag may dumaang CHIX binabatukan nya ako. Mas lalo ako nacurious sa kanya. Di ko maitanong sa kanya that time kung nagseselos ba sya pag may kasama akong iba o kaya may pinuntahan akong friend sa ibang school. Dahil kapag di ako nagpakita agad agad sa kanya, nagagalit sya. Nagkaroon kami na tinatawag na “BESTSARRY” or Monthly Date with Bestfriend. During 18th day of the Month, nag eexchange kami ng gifts..unang bigay nya sa akin eh “SIGN PEN (PILOT)” dahil mahilig daw ako magsulat.  Hanggang isang araw sinurpresa ko sya ng isang Teddy Bear na sya mismo ang pumili. Ang alam nya kasi si tawaw ang bibili. Nalaman nalang nya na para sa kanya yun nung umalis na ako at umuwi na silang dalawa. HAHAHA . Mas lalo tumindi ang friendship namin. Masaya syempre mga ganung situations. Sino ba ang hindi makaka miss sa ganung moments.

*LOVE*

May isang time nag paalam sya na uuwi ng lugar nila, after 3 days, pauwi na ng davao,.. I received a text message from her. “BEH”
I wondered. Napatype ako ng paulit ulit kahit di ko naman eto esesend sa kung kanino… ‘B E H’ ang layo sa B E ST… ang layo talaga ng H sa S…. BE…H? BES…Hindi sabi ko baka kulang o nagmadali lang sya nang naitype..
I texted her “Bakit Best?’’
“Ah wala Best.. Musta?’’
Siguro nga wala lang.
Inignored ko yung mga ganung kaliit na issue.
Peoples Park, ang tambayan naming kapag gumagala kaming tatlo. Pictures kung saan saan. Di uso ang tawag na selfie pero kami na siguro ang merong pinaka maraming Selfies sa cellphone ko.

Pag kinakausap naming sya lagi syang may katext.  Minsan may tumatawag. Jinojoke ko sya “Oy sinu yan, bakit ang tagal.”
“SUN GAMIT ko unli sayang lang pag di ko ginamit kay (TWIN’s NAME)”
"Okey" sabi ko…

Dahil uso noon ang SUNCELLULAR UNLI CALL…
…..


Kapag may kausap sya sa phone,i felt jealous. I wanted to avoid her. Gusto ko magtampo pero di ko masabi that time na ayokong may kausap syang iba. lalo na kung di naman nya kamag anak dahil sabi nya kausap daw nya FRIEND nya from other school.


Napadalas ang tune up games nila with the other bball players from other school before intramurals. Kahit anong pilit nya na sumama ako para manood di ako pumupunta dahil gabing gabi na kung sila makapag practice. But I never forgot to say Goodnight before i got to sleep. I was shocked nung nireply nya "Goodnight Best ko , I LOVE YOU" habang tumatagal ang mga convos everyday and night nakasanayan ko na rin na sumagot ng I LOVE YOU TOO best ko.... 


The only person na nakakaalam was JEAN about those convos. I wasn’t aware na may alam pala si Jean about ONE little secret from my bestfriend. She told me there was this Lesbian who wants to court my bestfriend. So I asked my bestfriend a question through TEXT because I couldn't ask anything personally dahil... hindi naman talaga ako pala tanong. "Best what if may manligaw sayo. would you entertain?.".. i asked. Sagot nya.. "Babae o Lalaki?"... medyo nashocked ako. tapos sabi ko "Tomboy."  di sya nagreply. so i assumed na expired na ang unlitext nya or nakatulugan na nya yung message ko. Kinaumagahan sa school She texted me to have a breakfast sa canteen. so late ako nagising at late na rin pumasok sa klase. Computer Archi yung subject kakapasok ko lang so sa last row ako umupo. Di ako tumabi sa kanya but She looked at me na parang naiinis na may sinasabing MAG-UUSAP-TAYO-MAMAYA look. after the class yung barkada namin kumain muna saglit at tumambay sa bhaus ni Toto.. nagsabi si Bestfriend na may kukunin muna sa bhaus nya kaya susunod lang kaming dalawa. Inignore ko na yung tanong ko kagabi sa kanya na di nya sinagot. So sinamahan ko sya papuntang bhaus nya. tumambay saglit doon. tinulugan ako. 


I stared at her back. napatalikod na din ako. tingin sa Galleries ng phone ko at nakikinig ng music. bigla nya akong niyakap sa likod.. yung feeling na nasa cloud 9 ka dahil may yumayakap sayo. sheeet. Kinabahan ako. ginawa akong pillow tapos kinuha yung kamay ko hinawakan nya. gusto ko matulog pero di ko magawa dahil di ko talaga ma explain ang feelings ko that moment. Humarap ako sa kanya. Parang gusto ko syang halikan na ewan pero ayoko baka masampal ako sa mukha hahaha pero... sa totoo lang,. the Best moment na yun para sa akin. tumalikod sya tapos hinug ko din sya. Kung mababasa nya to alam ko na may something so awkward feeling na alam namin pareho sa isat isa that time. i whispered "Best..." sabi nya "Hmmm." obviously nagtutulugtulugan lang sya from that moment. sabi ko agad.. "Nagtext ai Alot..pupunta pa tayo??".. tapos di sya sumagot.
It doesn't matter anyway, basta kasama ko bestfriend ko that time. parang complete na yung araw ko. wala akong pakialam kung sino manligaw sa kanya o kung sino man yung sinasabi ni Jean na may gusto sa bestfriend ko. Basta masaya ako that time na kasama sya.

Pictures everywhere. Peoples park. Mall. School. Gym. Exhibit. with tawaw Elenor. yung bond namin tatlo tumibay. Mas madami pa silang pictures sa galleries ng phone ko kesa sa akin. Masaya!  lalo na pag preserved lahat ng moments. kulitan. Graduation day. Party kina Karlo. nagtampo sya that night dahil sumama ako kay Toto papuntang downtown. matagal kami nakabalik kina karlo. Antok na daw sya gusto ng umuwi. Sabi ko kasama naman nya si Tawaw. wag nalang ako hintayin. Nagalit sya dahil pag di pa daw ako nakabalik doon eh uuwi na sya mag isa. Nung makabalik na kami, She decided na to go home kasama ako at si tawaw.. i really dont remember kung nagtaxi ba kami or jeep basta hinatid ko sya sa bhaus nya. Niyakap ko sya as usual na ginagawa ng mag bestfriends. Nang makauwi na ako. Yung feeling na parang inaassumed mong may kasintahan ka pero imagination mo lang pala. LOL



Nakakairita na ewan. Nakakainis. Gusto ko sya ligawan pero di ko magawa. alam ko maraming may ayaw sa ganun. kapag nagkataon edi.. basta. Lagi ko sinasabi that time sa sarili ko na mananatili syang bestfriend ko. No other than that. I would never do such thing na makakasira sa friendship namin. I promised her na kahit anong mangyari I am always be here for her. Always.

Birthday ni Karlo.

Ininvite kami ni karlo sa birthday nya. i forgot the resorts name. somewhere in Lanang. sinabay na rin yung Belated Happy birthday nya that day. well. I asked her a little favor that day. Mag change kami ng Phone. just for ONE NIGHT ONLY. at first ayaw nya. sabi ko promised one night lang kasi para di malaman ng tita ko na may camera phone ako. hahaha so pumayag sya.

That night, some inbox messages from her phone memory ay hindi nadelete or nandoon pa rin. syempre mga quotes. mahilig ako sa mga quotes kaya kinokopya ko at finoforward.... there are few messages on that inbox na medyo BUMULAGA sa mata ko. Just to put the past, behind that past...I will never included it here. Ang sakit kaya makabasa ng ganun.

I asked her a question after reading those messages. so nireply nya agad "Best bukas mag eexplain ako.".. sabi ko "No.. now na."
Mahaba ang reply nya napuno agad ang inbox ng phone . Di ko nireplyan ang mga sinabi nya. Naiiyak ako sa galit. as in Galit na galit ako. parang kinakain ng sikmura ko yung lamang loob ko. di ko maexplain that time yung reaction ko. parang yung building na ginawa namin dalawa eh biglang nasira at gumuho. Galit na galit ako sobra nung mga oras na yun para akong sinaksak patalikod. Yung Love ko sa kanya na di ko nasabi noon pa parang napalitan ng galit sa isang iglap lang..








Kinabukasan nagkita kami. Mugtong na yung mga mata ko. Nagchange kami agad ng phones. Pinaka masakit na sinabi nya "Sinadya ko makipagpalitan ng phone. Pumayag ako agad kasi gusto ko ikaw mismo maka alam." natawa ako sa sinabi nya habang lumuluha ako. Sagot ko "FUCK YOU!!" galit ako eh. wala na ako magagawa eh yun ang naisagot ko that time. if only i could turn it back, I WILL NEVER Say  anything stupid Like that. Diko na mababalikan at mababago mga words na nasabi kong hindi maganda. Sana tinanggap ko nalang yung apology nya. Sana tinanggap ko nalang yung Sorry nya. hindi sana ganito nangyari na mas lalo nasira yung friendship namin dahil dinagdagan ko yung galit ko. pero nahatid ko pa sya kahit galit ako that day. Someone texted me that day. a very familiar number. yung number na nakalagay sa message na nabasa ko sa inbox ng Phone.  Syempre yoko na balikan yun dahil resulta nun sila pa ang nagkampihan syempre mag jowa eh. i replied to that number with insults and some rude na i know they deserved it from me.

Sana di na ako nakipagpalitan ng phone. Sana di nya ako pinagbigyan sa favor ko. lahat kasi ng favor ko those times eh binibigay nya. Sana di nalang ako nanghalungkat ng mga kung ano ano sa phone na yun. yun talaga eh. Sana di na ako nakipag exchange. Sana she kept it secret nalang forever para walang ganito. pero ano pa nga ba. walang lihim na hindi nabubunyag eh. haissst. tawaaaaw. Naiiyak ako sobraaa. Sana maka invent ako ng time machine. gusto ko balikan lahat at baguhin yung past na to. gusto ko manatili ung secret nya. Sana tinaggap ko sya. Naging open minded sana ako. grrrr

After a days or 2 weeks without communication. April 24 2009..
tinext ko sya. namimiss ko eh. sabi ko “Bati na tayo pls miss na kita sobra. ayoko mawala ka sa akin.”. . rumeply sya agad. "Miss you too Best. may pasalubong ako sayo.. uuwi ako davao." tapos syempre yung mga kulitan namin that DAY bumalik. BUT.....


Another stupid people ang ayaw talagang maging ok kami ng bestfriend ko. wag nalang balikan dahil wala naman magbabago. so syempre. Gulo naman ang inabot. ang masakit pa.. Ako pa ang naging masama dahil pinapatulan ko pa daw.  Sila pa yung gumulo.. Ako pa yung napasama.
Nakipag kita sa akin si Chiwawa (yan tawag ko sa freaky creature na yun dahil sa inis ko) and bestfriend. syempre gusto mag sorry.. galit na naman peg ko that time.
i'd tried to listen to them. in short di ko tinanggap ang sorry nila dahil may mga involved na other creatures. grabe. i thought that it was just all about me, her and that freaky pero hindi eh.. dami ng nainvolved. nadamay na pati buong barkada namin that time. I wasn’t supposed to tell them the truth kaya lang napapansin naman nila ang mga ginagawa ko sa friendster ( YUN ANG USO way back) that time. 



They were just concerned not only to me but to everyone on the circles. They tried to reach her pero di na sya sumasagot. I also wanted to talk to her dahil alam kong maayos na kami that time. pero hindi eh. umiwas sya. the last text i received was "GOODLUCK ON YOUR CAREER." i replied her goodluck din.. sana maging masaya ka sa pinili mo. But the other parties were keep on talking shit about me. ayoko na balikan. dun na nagtatapos yun.
Ano bang mali dito?.. am i stupid na di ko sya sinuportahan? di ko sya kinampihan?.. we're ok. but suddenly shiits just BOOMED it.. Am I not a good bestfriend?.. Mali ba na minahal ko din sya pero di ko lang nasabi?.. ang daming sumasagi sa isip ko recently. parang feeling ko. nasa past pa rin ako. Di ako makatulog started noon dahil sa nangyari. yung insomnia ko lumala ng lumalà. Lagi akong inaanxious lately. Feeling ko tinatawag ako ng nakaraan sabay sabing “UMAYOS KA NA! AYUSIN MO TO!”



Ginawa ko ang paràan na makalimutan sya. Binigyan ko yung sarili ko ng chance na mahalin ulit yung sarili ko. Habang tumagal ang time na di ko na sya nakikita at nakakausap eh nasanay na rin ako. pero syempre mahirap kalimutan ang kaibigan na malalim yung pinag daanan at pinagsamahan nyo. I really missed her. 4 yrs ago nakita ko sya. well masaya ako nakita ko sya sa mall.. pero nag iba paningin ko nung makita ko kasama nya si chiwawa.. masaya na siguro sya kasama nun. siguro yun talaga hinahanap nya. baka nga nagkulang ako na mapasaya sya. baka nga di sya naging masaya kasama ako. dahil nga BESTFRIENDS kami.

Sana may time machine. sana magkaroon ako ng powers. sana bumalik na yung dati. kung hindi man kami maging bestfriends ulit. sana nakausap ko man lang sya kahit na ako na mismo mag sosorry hindi dahil may kasalanan ako or ako yung dahilan. Mag so sorry ako sa kanya for letting my anger hurted her. for letting her go na sana diko sya pinakawalan kahit bestfriend lang din turing nya sa akin ayos lang basta mapatawad nya ako or magkapatawaran kami. maging ayos na yung past ko para maka move on na ako sa future. alam na alam namin sa isat isa na di magiging ok ang future kapag hindi naaayos ang past. Alam ko naka moved on sya. Sometimes I wondered how she sleeps.. sumagi na ba ako minsan sa isip nya? namimiss din ba nya kami ni tawaw? namiss ba nya ako? gusto din ba nya yung gusto namin mangyari now?.. Gusto ko ulit sya makitaaaa kahit once lang. Gusto ko sya makausap kahit saglit lang.

kung di man ngayon.. sana in the future ma settle na. ma ayos. sana makalimutan ko na rin lahat..  di ako nagsisisi na di ko agad sya nasagot dahil alam ko lahat ng consequences kapag may ginawa ako. i made sure na maganda ang trato ng lahat not only sa akin but for her. pero baliktad. I even treated her as a stranger. Hindi natupad yung promise ko sakanya na nandyan ako no matter what. Yes she kept everything secret from me and from everybody. but somehow she was just afraid of everyone. Now I came to realized na sana di ko sya hinusgahan agad. di ako nagpadala sa emotion ko..

I was immature. i know hanggang ngayon ganun pa rin ako. i hope na sana if maging ok kami. if lang naman. i will never ever let her go again... i miss you Best!!!! sobraaaa :(












No comments:

Powered By Blogger